Ang saya ng pakiramdam na may mga taong naniniwala sayo ng lubos-lubos.... yung ikaw ang hinihingan ng mga payo tungkol sa kanikanilang buhay, personal na buhay at pati sa kanilang buhay pag-ibig kahit na alam nilang kahit kailan ay di pa nagmahal ang isang tulad ko pero nagtitiwala parin silang kaya ko silang tulungan at yun naman nakakapag pasaya sa akin di man halata.
Salamat dun sa mag taong laging nandiyan sa tabi ko na laging nakasuporta sa akin, at laging nandiya kapag kailangan ko ng isang taong maiiyakan sa mga problema ko.. Salamat din sa mga teachers ko di man nila makita o maramdaman eh sila ay isa sa mga idol ko at isa rin sila sa nagpapalakas ng loob ko kasama ng mga kaibigan, parents, and relatives...
Sa aking mahal na kaibigan na nasa L.A. ngayon salamat kasi kahit malayo ka sakin eh lagi mo akong naaalala sa pamamagitan ng pagsulat sakin at kaakibat nito ang iyong suporta at cheering up for me na kayang kaya ko lahat.... At sa mga kaibigan ko maraming maraming salamat din sa lahat ng tulong at pag-aalala sa akin at pagpapasensiya sa akin...
Sa mga taong nagmamaliit sa pagkatao ko salamat din kasi isa rin kayo sa mga taong dahilan kung bakit malakas ako ngayon at nag udyok para ipakita sa inyong iba ako sa akala ninyo....
Sa parents and relatives ko salamat at lagi kayong nandiyan sa twing nanghihina ako at kapag masaya ako at higit sa lahat kayo ang dahilan kung bakit hindi pa ako sumusuko at nananatiling matatag hanggang ngayon.....
Friday, March 12, 2010
SALAMAT
Posted by milles at 3:32 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment